Kakampi at Tagapagtanggol: A Presidential Speech

By: Dollyn Joy Salmoro & Mary Clarisse Surmion

Magandang araw po sa inyong lahat aking mga kababayan! Ako nga pala si Manny Reyes ang kakampi at tagapagtanggol ng mga mamamayan. Naiintindihan ko po ang inyong mga hinaing at pinagdadaanan dahil minsan ko din po iyang naranasan. Nasubukan ko na pong mamasada ng traysikel pagkagaling sa eskwela dahil sa kakulangan ng pera, ang tumira sa isang barong barong na halos hindi na kami magkasyang pamilya, at matulog sa gabi na walang laman ang sikmura. Kaya hindi na iba sa akin ang mga hinaing na ‘yan at ang paghihirap dahil minsan din akong naging mahirap. Ang mga karanasang ito ay aking gagamitin upang kayo ay maiahon ko din sa kahirapan. Kagaya  ng aking pagsusumikap, sisiguraduhin ko rin na kayo ay kasama sa aking plano, uunlad ang ating bansa at uunlad din ang mga buhay nating lahat, mayaman man o mahirap.

Isa sa mga plano kong gawin kung ako ang inyong ihahalal, tutulungan ko ang mga magsasaka na magkaroon ng mataas na kita, sila ang nag papakain sa atin kaya dapat sila mismo ay nakaka-kain. Magpapatupad ako ng mga batas upang protektahan ang mga kapatid nating magsasaka upang bigyang hustisya ang kanilang mga paghihirap. Pagtutuunan ko rin ng pansin  ang drugs na lumalaganap sa ating bansa, isang taon pagkatapos kong umupo sa puwesto, ilalagay ko sa likod ng mga rehas ang mga drug lords na ito. Aayusin nating ang mga gusot dito sa ating bansa.  Lagi niyong tandaan, ako ang inyong kaibigan at kasangga na pwedeng lapitan.

Gusto kong baguhin ang nakasanayan nating sistema at bumuo ng bago, at sisiguraduhin ko na sa sistemang ito, hindi namin hahayaan na may maaagrabyado. Wala nang maghihirap sa bansang ito! Lahat tayo ay uunlad at magkakaroon ng maginhawang buhay! Kaya huwag po ninyong kalimutang iboto ang kakampi at tagapagtanggol ng mamamayan, Manny para sa bayan! Maraming salamat mga kababayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s