“Kalusugan ng mga Mamamayan ang Ating Kayamanan”: A Presidential Speech

By: Riz Arianne Santisteban & Leannah Andrea Toroy

Ang ating bansa ay nangangailangan ng isang presidenteng handang maghanap ng mga solusyon sa lahat ng mga suliranin na kinakaharap ng ating bansa. Alam niya dapat kung ano ang uunahin at kung ano ang kailangan ng kaniyang sinasakupan. Magandang araw sa inyong lahat, at hayaan niyo po akong magpakilala sa pinakasimpleng paraan. Ako si Juan Dela Cruz, dating senador at ngayo’y handang mamuno ng ating bansa. Kung kaya’t ako’y humihingi ng tulong sa inyo dahil kung gusto nating baguhin at paunlarin ang ating bansa, kailangan nating magtulungan at kung ako’y pagbibigyan ninyo ng pagkakataon, hinding hindi ko kayo bibiguin sa anim na taong pamumuno ko sa ating lupang sinilangan.

Simulan natin sa isyu ukol sa healthcare ng ating bansa. Ating tatandaan na pagdating sa kalusugan, walang mahirap o mayaman. Lahat pwedeng madapuan ng mga sakit kaya dapat lagi tayong maging handa. Subalit, ang mga gamot at mga pasilidad pangkalusugan ay hindi nagagamit ng lahat. Sa kasamaang palad, para lang ito sa may mga pera. Marami rin tayong mga nars at mga propesyunal na nangingibang bansa dahil mas malaki ang sweldo at mas marami ang opurtunidad kompara dito sa Pilipinas. Kagaya noon, naranasan kong bitbitin ang aking tatlong gulang na kapatid dahil sa nangangapoy na lagnat. Wala si nanay sa bahay at iniwan na kami ng aming tatay. Isinugod ko sya sa ospital ngunit pawing hindi marinig ng mga tao doon ang aking pagmamakaawa na tulungan ang aking kapatid at hindi siya madaling magamot dahil sa kakulangan namin sa pera.

Kaya kung ako ay papalarin na manalo sa darating na eleksyon, gagawin kong prayoridad ang nutrisyon at kalusugan sa ating bansa. Sama-sama nating abutin ang umagang hindi na tayo magmamakaawang maging malusog. Lahat ay pagbibigyan ng sapat na karapatan, mahirap man o mayaman Dito, lahat tayo’y pantay-pantay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s