Kasama si Ngayon, Tayo’y Aahon! (talumpati para sa mga magsasaka)

By Freden Javelona, Keseiah Joy Tavera and Trina Villaflor

Magandang umaga mga kababayan! Ako po si Emil Ngayon, isang probinsyanong galing Davao tumatakbo bilang inyong presidente. Hayaan niyo po akong ipahiwatig ang aking plataporma na kayo po ang pangunahing makikinabang. Mula pagkabata, namulat na ang aking mga mata sa kalagayan ng ating mga magsasaka. Sa murang edad, dinig ko ang iyak ng mga magulang na walang mapakain sa kanilang mga anak. Natikman ko na din ang lasa ng dugo sa aking lalamunan dahil wala kaming pera pampa-ospital. Mula noon, isinumpa ko saking sarili na kung mayroon man akong magagawa’y gagawin ko ang aking makakaya upang hindi na malasap ng susunod na henerasyon ang aking naranasan.

Dati, sinasama ako ni tatay sa palayan. Alas-singko pa lang ng umaga’y gigising na kami at maglalakad ng kalahating oras papuntang palayan. Balot ng damit ang aming katawan kasi buong araw kaming magbababad sa initan. Lugi kami kapag tagtuyot; malaking porsyento ng ani ang nasisira dahilan kung bakit hindi ito maibenta sa palengke. Kitang-kita ko sa mukha ni ama ang pagkadismaya habang kinikilo ang natitirang palay. Ani nga niya, “sa bawat palay na nasasayang ay katumbas ng isang pisong binalewala”.

Ang punto ko, naranasan ko din ang inyong paghihirap, at may magagawa po tayo upang mabago ito. Kung dati, ang mga magsasaka’y nasa mababang sektor ng lipunan, sa pangunguna ko’y bibigyan natin ng tuon ang sektor ng agrikultura, mas patibayin natin ang mga batas na nagproprotekta sa inyo, papalawakin natin ang paggamit teknolohiya, at bigyang halaga ang ating mga lokal na produkto.

Bilang isang anak ng magsasaka, pamilya tayong lahat dito, at ang pamilya’y nagtutulungan.  Kung dati, napasailalim sa mga buwaya’t uhaw sa pera ang ating pamahalaan. NGAYON, nasa harap ninyo ang taos-pusong maglingkod. Kung dati hindi tayo nadidinig, NGAYON, ipaglalaban ko ang karapatan ng bawat isa. Ngunit tulad sa pagtatanim, walang bunga pag walang binhi– ang posisyon na ito ang magsisilbing binhi upang matulungan ko ang kapwa kong magsasaka, kaya kinakailangan ko po ang inyong suporta! NGAYON ang oras ng pagbabago. NGAYON tayo aahon!

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s