“Hindi Pagbabago, Kundi Pag-unlad at Pag-angat”: A Presidential Speech

by: Mila Claire Nufable, Michele Nudque and Julie Ann Claire Nique

“Taga-Miagao ba kayo? Kasi lahat kayo magaganda’t gwapo. ”

Maayad ayad gid nga aga sa tanan! Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng dumalo ngayon. Oo, kasing ganda ko si Liza Soberano pero hindi ako nagpunta dito para magbitaw ng sweet lines na magpapakilig sa inyo. Alam kong sawa na kayo sa mga matatamis na salitang napapanis, mga pangakong napapako at mga politikong pulpol. Panahon na para tumigil sa kaka-ngawa at simulan ang paggawa. Ako si Michele “Mich” Nudque, hindi lang puro salita, mas lamang sa gawa. Alam ko ang hirap na pinagdadaanan ng bawat Pilipinong nasa baba ng tatsulok. Patas ni’yo, naghalin man kami sa kaimulon. Lumaki ako sa simpleng pamilya—ang tatay ko’y karpintero habang ang nanay ko nama’y labandera. Tinaguyod nila kaming magkakapatid sa Maynila pero ang aking lola ay tubong Miagao kaya naman malapit ang puso ko sa lugar na pinagmulan ko.

Ngayong ako’y tumatakbo bilang pangulo, “ano ba ang magagawa ng isang Mich Nudque para sa inyo at sa bansa”?HINDI PAGBABAGO, KUNDI PAG-UNLAD AT PAG-ANGAT! Bilang pangulo niyo, kung inyong hahayaan, marami ang naihanda kong proyekto para sa lahat ng mga nangangailangan, mahirap man o mayaman . Magiging prioridad ko ang edukasyon, kalusugan, at trabaho. Karapatan ng bawat Pilipino ang makapag-aral. Libreng edukasyon para sa lahat. Maayos at ligtas na paaralan; may sapat na libro, kompyuter, kagamitan at imprastraktura para sa mas epektibong edukasyon. Sa kalusugan ay mayroong feeding program, libreng monthly check-up at gamot upang tiyaking malulusog at malayo sa sakit ang mamamayang Pilipino. Sisiguraduhin ko na ang bawat Pilipino’y mayroong trabaho at magandang pamumuhay sa pamamagitan ng WORK program.

Kapag ako ang naging pangulo ninyo, matutupad ang lahat ng pangako’t pangarap. Magiging isa sa pinakamaunlad na bansa sa buong mundo ang Pilipinas dahil ako’y “Mich Tiyaga, Mich Talino, at Mich Malasakit!” Mich for President! “

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s