Tambasin! Taong Matulungin

Jullienne Rose Tambirao at Ma. Divina Tabasin

Magandang gabi po sa inyong lahat! Ako ho ay si Maria Jullienne Tambasin. Mula po ako sa probinsya ng Iloilo.

Katulad ng halos lahat sa inyo dito, ako din po ay lumaki sa hirap. Ang mga magulang ko ay mangangalakal ng basura. Nakarating po ako sa ganitong posisyon dahil sa pagpursige kong maiahon ang aming pamilya sa hirap. Nang aking matupad ang pangarap kong ito, nangako ako sa aking sarili na tulungan ang mga taong napagdaanan o patuloy na naghihirap tulad ko noon.

At katulad niyo po, ayaw ko rin sa magnanakaw na pulitiko. Lumalago ang kanilang pera dahil sa mapag-abusong trabaho na pinapagagawa sa ating mga mahihirap. Hindi dahil mulat tayo sa kahirapan ay magpapaalipin na tayo. Maraming oportunidad sa ating mga mahihirap pero tayo ay pinapaikot ng mga makakapangyarihan at edukadong tao. Ako ay nakikiisa sa sentimyento na ito. Ako ang susulong sa bagong lipunan na ito na kung saan ang mga mahihirap ay mabibigyan ng pag-asang makabangon. Tandaan natin ang pait ng kahirapan. Dahil sa hirap, tayo ay sisikap.

Isa din po sa adbokasiya ko ang pagiging mapagtanggap. Ano man po ang uri ng kasarian na iyong kinikilala o saan man kayong relihiyon nabibilang, asahan niyo pong sa aking pag-upo na magkakaroon ng batas na magpoprotekta sa ano mang uri ng diskriminasyon. Lahat po tayo ay Pilipino, nananalaytay sa ating dugo ang pagiging Pilipino.

Ako po ay taos-pusong humihingi ng tulong ninyo ngayong eleksiyon. Sama-sama po nating putulin at tuluyang tapusin ang dinastiya ng mga pamilyang nag-aastang nagmamay-ari ng kani-kanilang sinasakupan. Maraming maraming salamat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s