Jessamine Kaye Palomo & Anaiah Rhima Palomata
Kamusta, mga minamahal na kababayan! Alam kong pagod na po kayo kung kaya’t nagpapasalamat akong dumalo parin po kayo sa gabing ito. Gagawin ko po ang aking makakaya upang umikli ang aking mga sasabihin sa loob ng mga apat na oras lang naman. Ah, este biro lamang po!
Marahil karamihan po sa inyo ay alam na ang aking pangalan ngunit hayaan nyo po sana akong pormal na magpakilala. Isang walang hamak at laki sa hirap ngunit nagsumikap at ngayo’y nais na bigyan kayo ng magandang hinaharap, Ako po si Ed D. Wao na tumatakbo po para sa posisyon na mayor ng Syudad City!
Kumakailan lamang po ay rumampa na sa ating ekonomiya ang train law. Patuloy pong bumababa ang halaga ng peso sa world market. Maging ang presyo ng palay ay paurong na rin. Hindi po ba’t nakakadismaya? Bilang isang palaboy noon, alam ko po ang pasikut-sikot ng mga kalye sa lungsod na ito. Ang sitwasyon ng mga taong nasa mahihirap na sektor ay mas lalong lumalala. Sa daming instrakturang ipinapagawa nila sa lungsod na ito, pati kalsadang maayos binabakbak nila. Yung iba naman ay takot na baka pagkabukas wala na silang mauuwiang trabaho. Ang tamang pagbabago ay ang pagpuksa ng ganitong sistema ng kaharasan at kawalan ng katarungan.
Dapat magkaroon po tayo ng mayor na may prinsipyo, may takot sa Diyo at hindi magbubulsa ng pera natin. Kung ako man po ay pagpalarin, asahan niyo pong bawat hinaing ay aking pakikinggan. Magtulungan po tayong bumuo ng komunidad na hindi lamang ang mayayaman ang umuunlad at ang mga nasa laylayan ay naiiwang lugmok sa kahirapan. Bagkus, tayong lumikha ng lugar kung saan ang mga nabuong pangarap ay matutupad. Sa darating na eleksyon, nais ko pong maging boses ninyo sa pamahalaan at nawa’y hayaan niyo po akong maging baba ninyo sa gobyerno.