WALANG KUSK0S-BALUNGOS

Sa ngayong panahon na laganap ang korupsyon, krimen, at immoral na mga opisyales ng gobyerno, na nagdudulot ng karagdagang pasanin nating mga Pilipino. Kaya’t sa darating na eleksyon, dapat tayo’y mamulat sa katotohanan na ang karapat-dapat piliin na maging susunod na presidente ng bansang ito ay isang lider na may kredibilidad, katapatan, at ang habol ay ang pagserbisyo para sa ikauunlad ng bawat Pilipino.

Kaya ako po si Jo Tophes Fale Ramos, tumatakbo sa posisyon ng pagkapresidente, ako po ay dapat nyong iboto dahil kay Ramos walang kuskos-balungos.

Bakit po ba ako? Sa aking pagsisikap ako po ay nagtapos ng kursong B.S. in Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas Dilliman (UPD) bilang Cum laude, Ako rin po ay naging public attorney at kasulukuyang lider at tagapagtatag ng orginasyong “IconNation” na naglalayong magbigay ng libreng serbisyong legal sa mga inaaping Pilipino sa loob man o sa labas ng bansang ito. At buong puso kong sasabihin sa harapan ninyong lahat na ako, ay ang uri ng taong paninindigan ang lahat ng aking binitawang isalita.

Kaya kung ako po ay papalarin sa eleksyong ito, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na mabawasan muna ang bilang ng tiwaling opisyales ng gobyerno at sa lahat ng hanay ng pamumunuan ko sapagkat ako ay naniniwala na ang lahat ng problema nating hinaharap ay dulot ng ating marumi at maanumalyang sistema. Ako rin ay susulong ng proyekto at batas para sa pagpapalakas ng proteksyon at karapatan ng mamayang Pilipino; mahirap man o mayaman, bata man o matatanda, lalaki man o babae o ibang piniling kasarian. Dahil ayaw kong maranasan ng aking kapwa pilipino ang hirap at pangaapi na naranasan ko noon. Kaya kung ako ay magiging president, lahat ay pantay, makakaraos at walang kuskos-balungos kay Ramos

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s