Isang masigasig na umaga sa inyong lahat, mga kababayan!
Una sa lahat, gusto ko po sanang humingi ng kaunti niyong oras upang sabayan po akong magbigay ng mataimtim na panalangin para sa ating sarili, kapwa at lalong lalo na sa atiing bansa, na naway magabayan tayong makapagpili ng nararapat na magtaguyod at tulungan tayong mga pilipino at ang ating lipunan. In the silence of our midst let us all pray for our deepest intentions.
Maraming salamat po.
Muli, Isang magandang umaga po sa inyong lahat at isa pong karangalan ang makasama po kayo ngayong umaga na ito.
Nakatayo sa inyong harapan, ay katulad din ninyo, isang mamamayan ng pilipinas. Isang mamamayan na may malaking pagmamahal sa ating bansa at tulad niyo, naghahangad at nagmimithi ng isang magandang kinabukasan. Oo, alam kong, gasgas na gasgas na itong mga linyaheng aking isinasambat at lahat ng ito ay hanggang salita lamang sa kasalukuyan. Ngunit, ngayon, nais kong itapon niyo at ialis lahat ng pagdududa sa isipan niyo sapagkat ngayon, sama sama nating baguhin at ayusin ang ikot ng kaseta.
Ayusin at baguhin ang ikot ng kaseta, kung saan kinabukasan ng bawat pilipino, lalong lalo na sa mga mahihirap ay bibigyang diin sa pamamagitan ng pagbibigay ng tuon sa, unang una, sa pag-aaral, dahil alam naman natin kung gaano kahalaga ito at nagsisilbi itong pundasyon ng isang maunlad na lipunan. Pangalawa, sa ating agrikultura, sa tulong ng ating mga magsasaka at mangingisda, mas napapaunlad abg ekonomiya ng pilipinas ngunit kapansin pansin na hindi gaanong binibigyang pansin at kulang ang suporta sa ating mga magsasaka, kaya naman babaguhin natin at aayusin ang ikot ng kaseta at bibigyan ng nararapat na pondo ang sektor ng agrikultura. Pangatlo, sa atin ring mga manggagawa, na bigyan ng sapat na sahod at nararapat na incentives. Panghuli, sa para sa ating mga natives at sa bagong komunidad na ating kikilalanin, ang lgbtq+ community, kung saan, nais kong palawakin, oahalagahan at ipagpabuti ang kanilang mga karapatan bilang parte din ng ating lipunan.

Isipin natin na para tayong mga langgam. Nakikita lamang sila bilang isa sa mga pinakamumunting hayop sa mundo pero nagtataglay ang bawat isa sa kanila ng lakas na maka-akay ng mabibigat na bagay 5 times ng kanilang timbang. Ganiyan rin tayong mga Pilipino. Bawat isa sa atin ay parang langgam, nagtataglay ng lakas na makapagbago ng ating bansa. Pero, napansin niyo ban a ang mga, langgam, kapag nagkaisa, ay makakapag-akay ng kahit na anong malaking bagay o problema.
Kaya naman pag nagkakaisa, at gaya ng langgam, kung tayo ay magkakaisa, na oinamumunuan ng isang lider na responsible, may paninindigan at desididong baguhin ang nakasanayan, wag kayong magtataka kung aangat at aangat tayo.
Yun lamang po at maraming salamat.

Mabuhay tayong mga Pilipino.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s