by: Arianne H. Pagador and Hazel Mae J. Pagal

        Hindi matatapos ang problema, kung walang magsisimulang itama at ayusin ito.

         Alam kong sa dinami dami ng mga isyu at problemang nagaganap sa ating bansa ngayon ay hindi na masyadong inaasahan na magiging maganda pa ang ating bawat umaga. Hindi man positibong pananaw ito, pero paano tayo makakita ng solusyon sa mga problema kung patuloy parin nating binabalewala ang negatibong epekto nito sa atin? Kailangan nating sabihin na hindi tayo okay, tanggapin na hindi na maganda ang kondisyon ng lipunan, na hindi na tama at maayos ang pamamalakad, na nagiging malabo at hindi na natatanaw ang magandang kinabukasan dahil sa mga nagaganap.

        Hindi ba’t tayo’y mga magulang, at magiging mga magulang sa hinaharap? Bilang isang magulang na gagabay at magbibigay ng magandang buhay sa kanyang pamilya, naisip ba natin kung saan tayo dapat nagsisimula? Sa panahon na nabubuhay tayo, hindi pa ba natin nalaman kung ano’t sino ang may kagagawan ng mga ito? Lahat tayo naapektuhan, lalong- lalo na ang mga kababayan nating walang kakayahan na ipagtanggol ang kanilang sarili sa lahat ng banta sa seguridad, hustisya, at pang-aabuso. Lahat tayo may takot, pero natatakot tayo dahil tayo’y may alam; na may mali, at ang mali ay ginawa ng may kapangyarihan. At hanggang saan pa ba tayo magpapadala sa takot?

         Ang kailangan lang natin at magkaisa. Nandito po ako ngayon hindi lamang bilang isang kandidato para sa paparating na eleksyon, kundi bilang isang kapwa Pilipino na handang magbigay boses at katawan ninyo upang iparating ang nais nating maging kinabukasan ng isang bansang para sa mamamayan.

          Hindi biro ang pagiging walang kalaban-laban, walang maniniwala sayo kahit ikaw pa ang nasa tama. Hindi ka pakikinggan, hindi ka paniniwalaan, at lalo ka pang ididiin sa hindi mo kasalanan. Sa mga dinanas ko noon, at sa mga nakikita ko ngayong pang-aabuso, at kayo kapwa ko Pilipino, kayo ang naging inspirasyon ko para tumayo, umahon, at pilit na nilalabanan ang takot, dahil alam ko kung gaano kahalaga na magkaroon ng boses na mapapakinggan hangad ko rin na ako’y makatulong sa mga nangangailangan. At alam ko pong hindi magiging buo at malakas ang boses na to pag mag- isa lang ako, kaya kailangan ko po ang tulong ninyo, kailangan ko po ang boses ng mga mamamayang Pilipino. Sa muli, andito ako ngayon dahil sa inyo, at sa kinabukasang hinahangad nating mga Pilipino!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s