Presidential Speech

By Mara Arcenal and Keziah Gallo

Magandang araw sa inyong lahat. Ikinagagalak kong makabalik dito sa Bukidnon. Ako si Juana Villanueva, isang ina, abogada, at kagaya ninyo na miyembro ng IP. Grumadweyt ako sa UP Diliman at nag-aral na din ako sa maraming eskwelahan sa ibang bansa:  England, Canada, Illinois. Sinikap kong maging isang abogado sapagkat ako ay isang biktimang naghahanap ng hustisya. Nawalan kami ng pamilya ko ng trabaho dahil inagaw sa amin ang sarili naming lupa. I know what it feels like to be poor. Alam ko kung gaano kahirap mawalan ng isang bagay na labis ninyong inalagaan at pinaghirapan. Huwag kayong mag-alala dahil hindi ako papayag na mangyari din ito sa inyo. I believe that my experiences, achievements, knowledge, and intention to serve you, is enough to gain your trust. Please let me serve you. Bakit nga ba ako? Because I love the Philippines and I love to see it glow.  Alam ko ang pasikot sikot ng ating batas at naniniwala ako na makakamit natin ang pagbabagong matagal na nating inaasam-asam. 

Unang gagawin ko kapag ako ay nahalal bilang pangulo ay ang paglaban sa korupsiyon na tila nagiging parte na ng ating kultura. Panahon na para ito’y wakasan. Wawakasan ko din ang “vaccine scare” kung tawagin para alam ng lahat ng pilipino na hindi nakamamatay ang pagpapavaccine. Pagtutuunan din natin ng pansin ang pangangalaga sa ating likas na yaman. Panghuli ay ang pagbawi natin sa West Philippine Sea . 

Ilan lamang ito sa ninanais kong gawin kapag ako ay nahalal. Umasa kayong walang sektor ang makakaligtaan kapag ako ay nahalal bilang presidente. Nandito ako at gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya na tugunan at pagtuunan ng pansin ang inyong mga pangangailangan. Our time is now. Join me in our battle for the people and for the nation! Thank you very much.