WALANG KUSK0S-BALUNGOS

Sa ngayong panahon na laganap ang korupsyon, krimen, at immoral na mga opisyales ng gobyerno, na nagdudulot ng karagdagang pasanin nating mga Pilipino. Kaya’t sa darating na eleksyon, dapat tayo’y mamulat sa katotohanan na ang karapat-dapat piliin na maging susunod na presidente ng bansang ito ay isang lider na may kredibilidad, katapatan, at ang habol ay ang pagserbisyo para sa ikauunlad ng bawat Pilipino.

Kaya ako po si Jo Tophes Fale Ramos, tumatakbo sa posisyon ng pagkapresidente, ako po ay dapat nyong iboto dahil kay Ramos walang kuskos-balungos.

Bakit po ba ako? Sa aking pagsisikap ako po ay nagtapos ng kursong B.S. in Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas Dilliman (UPD) bilang Cum laude, Ako rin po ay naging public attorney at kasulukuyang lider at tagapagtatag ng orginasyong “IconNation” na naglalayong magbigay ng libreng serbisyong legal sa mga inaaping Pilipino sa loob man o sa labas ng bansang ito. At buong puso kong sasabihin sa harapan ninyong lahat na ako, ay ang uri ng taong paninindigan ang lahat ng aking binitawang isalita.

Kaya kung ako po ay papalarin sa eleksyong ito, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na mabawasan muna ang bilang ng tiwaling opisyales ng gobyerno at sa lahat ng hanay ng pamumunuan ko sapagkat ako ay naniniwala na ang lahat ng problema nating hinaharap ay dulot ng ating marumi at maanumalyang sistema. Ako rin ay susulong ng proyekto at batas para sa pagpapalakas ng proteksyon at karapatan ng mamayang Pilipino; mahirap man o mayaman, bata man o matatanda, lalaki man o babae o ibang piniling kasarian. Dahil ayaw kong maranasan ng aking kapwa pilipino ang hirap at pangaapi na naranasan ko noon. Kaya kung ako ay magiging president, lahat ay pantay, makakaraos at walang kuskos-balungos kay Ramos

“Komprehensibong Pangisdaan tungo sa Kaunlaran”: A Presidential Speech

Ma. Luz Villegas, Nancy Sandig

Magandang araw sa inyong lahat! Kumusta kayo mga kababayan? Alam kong matinding hirap na ang nararanasan niyo ngayon, lalo na sa inyo aming mga mangingisda.


Hayaan niyo akong mag-umpisa sa isang maikling kwento: Noong bata pa ako, tandang-tanda ko pa, madalang lang kami makakain ng karne ng baboy at manok. Halos araw araw, mula umaga hanggang gabi isda lang ang aming ulam. Kami ay nabubuhay sa pangingisda ng aking ama. Hindi na bago sa akin ang kabahan tuwing aalis siya disoras ng gabi para pumalaot sa dagat. Bilang isang anak ng ng mangingisda naranasan ko ring makipagsapalaran sa dagat. Malalaking alon, madalang na isda at kung suswertehen ay aabutan pa ng malakas na ulan sa gitna. Napakahirap.


Sa mga nakakaranas ngayon ng kakulangan sa pera, bahay na ligtas at pwedeng masilungan sa oras ng kalamidad, pagkain na isusubo sa kumakalam na tiyan at pagmamaliit ng sariling bayan ramdam ko po ang inyong hirap sapagkat ako ay nanggaling din sa pamilyang gipit sa lahat. Kaya narito ako ngayon para tulungan kayong bumangon kahit dahan dahan lang.

Akin pong babaguhin ang pananaw ng mga madla sa pangingisda at mga kursong konektado sa pangingisda tulad ng BS Fisheries. Unti-untin po nating ipapaintindi sa kanila na tayo ay importante sapagkat tayo ay nasa bansang napapalibutan ng dagat. Atin din pong isusulong ang pagamenda na gawing departamento na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang magkaroon ng mas malaking badyet na matatanggap ang ating mangingisda. Importante na may mga tao na may sapat na kaalaman sa ganitong bagay upang mas mapag-aralan natin at mapaunlad ang ating lupang sinilangan.


Ako’y inyong suportahan sa pagtakbo bilang presidente. Sabay-sabay nating abutin ng unti-unti ang kaunlaran na ating minimithi, kaginhawaan sa pamumuhay at, suporta na ating kinakailangan mula sa mga mamamayang Pilipino at gobyerno.

MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT.

WALANG KUSKUSBALUNGKOS

JV JAMES RAMOS, CHRISTOPHER JOHN OVAS, JOSHPEARE ICON ROQUERO

Sa ngayong panahon na laganap ang korupsyon, krimen, at immoral na mga opisyales ng gobyerno, na nagdudulot ng karagdagang pasanin nating mga Pilipino. Kaya’t sa darating na eleksyon, dapat tayo’y mamulat sa katotohanan na ang karapat-dapat piliin na maging susunod na presidente ng bansang ito ay isang lider na may kredibilidad, katapatan, at ang habol ay ang pagserbisyo para sa ikauunlad ng bawat Pilipino.

Kaya ako po si Jo Tophes Fale Ramos, tumatakbo sa posisyon ng pagkapresidente, ako po ay dapat nyong iboto dahil kay Ramos walang kuskusbalukos.

Bakit po ba ako? Sa aking pagsisikap ako po ay nagtapos ng kursong B.S. in Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas Dilliman (UPD) bilang Cum laude, Ako rin po ay naging public attorney at kasulukuyang lider at tagapagtatag ng orginasyong “IconNation” na naglalayong magbigay ng libreng serbisyong legal sa mga inaaping Pilipino sa loob man o sa labas ng bansang ito. At buong puso kong sasabihin sa harapan ninyong lahat na ako, ay ang uri ng taong paninindigan ang lahat ng aking binitawang isalita.

Kaya kung ako po ay papalarin sa eleksyong ito, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na mabawasan muna ang bilang ng tiwaling opisyales ng gobyerno at sa lahat ng hanay ng pamumunuan ko sapagkat ako ay naniniwala na ang lahat ng problema nating hinaharap ay dulot ng ating marumi at maanumalyang sistema. Ako rin ay susulong ng proyekto at batas para sa pagpapalakas ng proteksyon at karapatan ng mamayang Pilipino; mahirap man o mayaman, bata man o matatanda, lalaki man o babae o ibang piniling kasarian. Dahil ayaw kong maranasan ng aking kapwa pilipino ang hirap at pangaapi na naranasan ko noon. Kaya kung ako ay magiging president, lahat ay pantay, mak akaraos at walang kuskusbakukos kay Ramos.

“Mas Komprehensibong Paaralan para sa Pag-asa ng ating Bayan” : A Presidential Speech

Joshua Pionelo and Rica Mae Quidato

Natatandaan ko noong ako’y isang estudyante pa lamang sa kolehiyo, ay nagulat ako kung ano kalaki ng agwat ng aking kaalaman kung ikukumpara sa aking mga kaklase dahil hindi sapat ang mga aparato at kagamitan ng paaralang aking pinanggalingan. Para lamang makahabol sa activities at mga lessons ko, kinailangan kong kumayod ng doble at magsunog ng kilay gabi – gabi.

Totoo ngang ang kabataan ang pag – asa ng bayan. Isa sa humuhulma sa ating mga kabataan bilang isang matibay na pundasyon ng ating kumunidad ay ang ating mga paaralan – paaralan na kumpleto sa gamit at materyales. Subalit, nakaklungkot isipin na hindi lahat ng paaralan sa ating bansa ay kumpleto at kayang maibigay ang akademikong pangangailangan ng ating mga kabataan, lalong lalo na ang ating mga pampublikong paaralan.

Naalala ko noong ako’y nasa sekondarya pa sa isang pampublikong paaralan, ay hanggang teorya lamang kami at walang mga praktikal na mga halimbawa. However, theories and concepts are not enough to master a specific topic on a subject matter. There must be an integration of theory and practice in the learning curriculum of our students.

Dahil dito, kung ako ay mabigyang pagkakataon na mahalal bilang presidente ng ating bansa, sisiguraduhin ko na bago matapos ang aking termino, lahat ng ating mga paaralan, private and public, will be more than ready to hone students to their utmost capacity and become a great pillar of our nation.

“Hindi Pagbabago, Kundi Pag-unlad at Pag-angat”: A Presidential Speech

by: Mila Claire Nufable, Michele Nudque and Julie Ann Claire Nique

“Taga-Miagao ba kayo? Kasi lahat kayo magaganda’t gwapo. ”

Maayad ayad gid nga aga sa tanan! Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng dumalo ngayon. Oo, kasing ganda ko si Liza Soberano pero hindi ako nagpunta dito para magbitaw ng sweet lines na magpapakilig sa inyo. Alam kong sawa na kayo sa mga matatamis na salitang napapanis, mga pangakong napapako at mga politikong pulpol. Panahon na para tumigil sa kaka-ngawa at simulan ang paggawa. Ako si Michele “Mich” Nudque, hindi lang puro salita, mas lamang sa gawa. Alam ko ang hirap na pinagdadaanan ng bawat Pilipinong nasa baba ng tatsulok. Patas ni’yo, naghalin man kami sa kaimulon. Lumaki ako sa simpleng pamilya—ang tatay ko’y karpintero habang ang nanay ko nama’y labandera. Tinaguyod nila kaming magkakapatid sa Maynila pero ang aking lola ay tubong Miagao kaya naman malapit ang puso ko sa lugar na pinagmulan ko.

Ngayong ako’y tumatakbo bilang pangulo, “ano ba ang magagawa ng isang Mich Nudque para sa inyo at sa bansa”?HINDI PAGBABAGO, KUNDI PAG-UNLAD AT PAG-ANGAT! Bilang pangulo niyo, kung inyong hahayaan, marami ang naihanda kong proyekto para sa lahat ng mga nangangailangan, mahirap man o mayaman . Magiging prioridad ko ang edukasyon, kalusugan, at trabaho. Karapatan ng bawat Pilipino ang makapag-aral. Libreng edukasyon para sa lahat. Maayos at ligtas na paaralan; may sapat na libro, kompyuter, kagamitan at imprastraktura para sa mas epektibong edukasyon. Sa kalusugan ay mayroong feeding program, libreng monthly check-up at gamot upang tiyaking malulusog at malayo sa sakit ang mamamayang Pilipino. Sisiguraduhin ko na ang bawat Pilipino’y mayroong trabaho at magandang pamumuhay sa pamamagitan ng WORK program.

Kapag ako ang naging pangulo ninyo, matutupad ang lahat ng pangako’t pangarap. Magiging isa sa pinakamaunlad na bansa sa buong mundo ang Pilipinas dahil ako’y “Mich Tiyaga, Mich Talino, at Mich Malasakit!” Mich for President! “

“Kalusugan ng mga Mamamayan ang Ating Kayamanan”: A Presidential Speech

By: Riz Arianne Santisteban & Leannah Andrea Toroy

Ang ating bansa ay nangangailangan ng isang presidenteng handang maghanap ng mga solusyon sa lahat ng mga suliranin na kinakaharap ng ating bansa. Alam niya dapat kung ano ang uunahin at kung ano ang kailangan ng kaniyang sinasakupan. Magandang araw sa inyong lahat, at hayaan niyo po akong magpakilala sa pinakasimpleng paraan. Ako si Juan Dela Cruz, dating senador at ngayo’y handang mamuno ng ating bansa. Kung kaya’t ako’y humihingi ng tulong sa inyo dahil kung gusto nating baguhin at paunlarin ang ating bansa, kailangan nating magtulungan at kung ako’y pagbibigyan ninyo ng pagkakataon, hinding hindi ko kayo bibiguin sa anim na taong pamumuno ko sa ating lupang sinilangan.

Simulan natin sa isyu ukol sa healthcare ng ating bansa. Ating tatandaan na pagdating sa kalusugan, walang mahirap o mayaman. Lahat pwedeng madapuan ng mga sakit kaya dapat lagi tayong maging handa. Subalit, ang mga gamot at mga pasilidad pangkalusugan ay hindi nagagamit ng lahat. Sa kasamaang palad, para lang ito sa may mga pera. Marami rin tayong mga nars at mga propesyunal na nangingibang bansa dahil mas malaki ang sweldo at mas marami ang opurtunidad kompara dito sa Pilipinas. Kagaya noon, naranasan kong bitbitin ang aking tatlong gulang na kapatid dahil sa nangangapoy na lagnat. Wala si nanay sa bahay at iniwan na kami ng aming tatay. Isinugod ko sya sa ospital ngunit pawing hindi marinig ng mga tao doon ang aking pagmamakaawa na tulungan ang aking kapatid at hindi siya madaling magamot dahil sa kakulangan namin sa pera.

Kaya kung ako ay papalarin na manalo sa darating na eleksyon, gagawin kong prayoridad ang nutrisyon at kalusugan sa ating bansa. Sama-sama nating abutin ang umagang hindi na tayo magmamakaawang maging malusog. Lahat ay pagbibigyan ng sapat na karapatan, mahirap man o mayaman Dito, lahat tayo’y pantay-pantay.