by Jeane Valerie P. Valera and Eula Rose S. Villaruel
Ang kailangan ng ating bansa ay isang lider na kayang ipaglaban ang kalayaan at karapatan ng mga Pilipino. Ang pagsalungat sa Tsina ay hindi kailangang idaan sa dahas, may diplomatikong paraan upang maipaglaban natin ang ating teritoryo. Huwag nating hayaang tanggalan ng karapatan ang ating mga mangingisda na maghanap-buhay sa ating karagatan.
Sa pagmahal ng mga bilihin, hindi na sapat ang kasalukuyang sahod ng mga manggagawa. Ayon sa NEDA noong 2018, ang pamilyang binubuo ng limang miyembro ay kailangang kumita ng hindi bababa sa 42,000 peso upang mapabilang sa itaas ng poverty line ngunit ang karamihang manggagawa ay kumikita lamang ng humigit kumulang 537 peso kada araw. Isinusulong ko ang pagtaas ng minimum wage. Ang panukalang ito ay hindi magiging pabigat sa mga employer sapagkat may kaakibat din naman itong pagbawas sa mga corporate tax na kanilang binabayaran.
Isa sa mga matitinding problema na kinakaharap ng bansa ay ang daloy ng trapiko. Kasama sa aking plataporma ay ang pagsulong ng episyenteng transportasyon. Hangad kong maipabuti ang sistema ng transportasyon upang magkaroon ng mas maayos na daloy ng trapiko. Naniniwala akong mahalagang pagtuunan ito ng pansin dahil ang kaligtasan, sa mga aksidenteng pinagmulan ay trapiko, ng bawat mamamayan ng bansa ang aking prayoridad.
Layon ko ring paunlarin ang Fisheries Sector ng bansa lalo na’t ang pangingisda ay pumapangalawa sa pangunahing hanapbuhay dito sa bansa. Sa sektor ring ito ay nakikikinabang tayo ng malaki. Layunin kong mabigyan sila ng mga matitibay na gamit sa pangingisda para hindi na sila mamroblema kung saan nila kukunin ang mga kakailanganin nilang mga gamit. Alam at ramdam ko ang kahirapan sa kanilang pang-araw-araw na trabaho sapagkat napagdaanan ko din yan. Kagaya ng ilan, lumaki ako na ang pangingisda ang nagtaguyod ng aking pag-aaral hanggang makapagtapos ako ng kolehiyo.
References:
The Philippine Star (2018) NEDA: Family of 5 needs P42,000 a month to survive. Retrieved from:https://www.philstar.com/headlines/2018/06/08/1822735/neda-family-5-needs-p42000-month-survive/amp/
TRADING ECONOMICS (2019) Philippine Daily Minimum Wages. Retrieved from: https://tradingeconomics.com/philippines/minimum-wages