A Call for Hope for a Spark of Change

by: Era Mae B. Suarez & Macy L. Tagaduar

A pleasant day to all! This is Ermac Tagarez, Filipino at heart, blood, and mind. My fellow Filipinos, there is neither NPA Philippines nor Philippines as province of China but this is Republic of the Philippines. We are standing on an open sea and worshipping an awesome God. We need a public servant who’s not just good in the façade, but a deep- rooted individual determined to strive for change.

All of us are one, we are one. We are the Republic of the Philippines. As one, we are marching towards the path of change, a better tomorrow. A life with no hate for the people in areas that they think as illegal settlers. Yours truly was once a kid running around the most difficult parts of the suburbs, and when people from the high classes look down on us, it’s just too heartbreaking. This is one of the many dreams I aim to achieve, that no kid would be forced to live the miserable life in the slums.

In the end, that is what the election is all about. Do we participate in a politics of hope? It’s the hope of every marginalized people, the slaves, and the poor. The hope of OFW setting out outside the border to sustain life. The hope of every young generation to live in a wide-ranged environment. The hope of the million workers to increase their wages. The hope of the fisher folks and farmers on the equity of treatment in the society. The hope for chubby kids with funny name that there is still a place for them too here in the Philippines. It’s a hope that everyone has a place here too. Hope! Hope! In the middle of everything. Once again, this is Ermac Tagarez, at your service. Thank you!

Mga Pagbabago sa Administrasyon, Solusyon ng Ating Nasyon

by: Hazel Joy Nono and Myla Mae Pahamutang

Magandang gabi sa inyo, aking mga kababayan. May isang kasabihan tungkol sa pagiging isang lider, na siya ay may kakayahang makakuha ng kahanga-hangang katuparan mula sa mga ordinaryong tao. Kaya ngayong gabi, sana po ay ibigay niyo sa akin ang pagkakataong ito upang mapatunay na ako ay pwedeng maging taong iyon.

Ako po ay nagmula sa isang simpleng pamilya ngunit sadyang nahihirapan kami noon na matustusan ang pang-araw araw naming pangangailangan. Kumayod nang maigi ang aking mga magulang upang makapagtapos kaming lahat na magkakapatid at ito ay isang bagay na panghabang-buhay na aking pasasalamatan.

Kaya ako po ay naniniwala na ang mga karanasan ko ay makakapagbigay sa akin ng kakayahan upang malaman ang mga bagay na mas kinakailangan ng ating bansa, lalong lalo na ng ating mga kapatid na dumaranas rin ng kahirapan.

Kung ako po ay magiging presidente ng bansa, pagtutuunan ko muna ng pansin ang iba’t-ibang sektor ng ating gobyerno. Aayusin ko po muna ang mga sistema nila at sisiguraduhin kong maglalaan ako ng mga badyet na kinakailangan ng bawat departamento.

Kasama nito, unti-unti kong isasaayos ang ating ekonomiya. Isa tayo sa mga bansa na sadyang may pinakaraming natural na kayamanan ngunit marami dito ang nasayang sa mga nakaraang administrasyon. Ito po ay aking babaguhin. Sisiguraduhin ko po na sila ay magagamit at naibahagi ng maayos sa iba’t-ibang institusyon na nangangailangan. Pagtutuunan ko rin ng pansin ang pagtatatrabaho sa bansa. Titiyakin ko na ang bawat Pilipino ay may pantay na oportunidad upang makakuha ng trabaho at maibigay ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Marami pa akong plano na gusting tuparin sa ating bansa at kung ako ay magiging presidente sisikapin ko na lahat sila ay matutupad. Gaya ng sinabi ko, ako rin ay nakaranas ng kahirapan at hindi ko gustong pagdaanan din iyon ng mga susunod na henerasyon. Maraming salamat po.

“Komprehensibong Pangisdaan tungo sa Kaunlaran”: A Presidential Speech

By Ma. Luz Villegas, Nancy Sandig

Magandang araw sa inyong lahat! Kumusta kayo mga kababayan? Alam kong matinding hirap na ang nararanasan niyo ngayon, lalo na sa inyo aming mga mangingisda.

Hayaan niyo akong mag-umpisa sa isang maikling kwento: Noong bata pa ako, tandang-tanda ko pa, madalang lang kami makakain ng karne ng baboy at manok. Halos araw araw, mula umaga hanggang gabi isda lang ang aming ulam. Kami ay nabubuhay sa pangingisda ng aking ama. Hindi na bago sa akin ang kabahan tuwing aalis siya disoras ng gabi para pumalaot sa dagat. Bilang isang anak ng ng mangingisda naranasan ko ring makipagsapalaran sa dagat. Malalaking alon, madalang na isda at kung suswertehen ay aabutan pa ng malakas na ulan sa gitna. Napakahirap.

Sa mga nakakaranas ngayon ng kakulangan sa pera, bahay na ligtas at pwedeng masilungan sa oras ng kalamidad, pagkain na isusubo sa kumakalam na tiyan at pagmamaliit ng sariling bayan ramdam ko po ang inyong hirap sapagkat ako ay nanggaling din sa pamilyang gipit sa lahat. Kaya narito ako ngayon para tulungan kayong bumangon kahit dahan dahan lang.

Atin pong babaguhin ang pananaw ng mga madla sa pangingisda at mga kursong konektado sa pangingisda tulad ng BS Fisheries. Unti-unti po nating ipapaintindi sa kanila na tayo ay importante sapagkat tayo ay nasa bansang napapalibutan ng dagat. Atin din pong isusulong ang pagamenda na gawing departamento na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang magkaroon ng mas malaking badyet na matatanggap ang ating mangingisda. Importante na may mga tao na may sapat na kaalaman sa ganitong bagay upang mas mapag-aralan natin at mapaunlad ang ating lupang sinilangan.

Ako’y inyong suportahan sa pagtakbo bilang presidente. Sabay-sabay nating abutin ng unti-unti ang kaunlaran na ating minimithi, kaginhawaan sa pamumuhay at, suporta na ating kinakailangan mula sa mga mamamayang Pilipino at gobyerno.

MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT.

Para sa nakararami: A Presidential speech

By: Racel Race & Thea Faye Ynion

Tandang tanda ko pa ang huli kong bisita dito sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City. Panahon din ng eleksyon taong 1992 at aktibo akong volunteer ng Comelec, naaalala ko pa kung paano tiniis ng mga mamamayan ang init ng araw at haba ng pila maikasa lang ang boto nila. May isang  matandang lalaki akong inalalayan. Nang sinabi kong , “ Tay, onting tiis lang po ha” napangiti ako sa sagot niya “ Oo naman hija, kunting tiis lang at baka sakaling mabago naman ang buhay natin sa loob ng anim na taon.” Nakakatuwang isipin na meron pa ring mga tao na iniisip hindi lamang ang pansariling interes nila.

              Kung dati pumupunta ako dito para tumulong, ngayon ako naman yung humihingi ng tulong nang matulungan ko pa ang mas nakararami. Kung sakaling mahalal ako sa pagka Pangulo ng Republikang ito, titiyakin kong higit pa sa anim na taon ang maiitulong ko, I will leave a legacy that will change the Phillipines for the best it could be.

              Ilan lamang sa mga adbokasiya ko ay ang  payabungin ang ating ekonomiya sa pagbibigay pansin sa sektor ng paggawa at agrikultura. Maglalahad ang gobyerno ng suporta at mga programa nang maiangat ang produksyon ng mga pangunahin nating produkto tulad ng isda at palay, nang sa gayon ay magresulta ito sa mababang presyo kung marami ang suplay. Kapag mababa ang bilihin mababawasan ang mga nagugutom at naghihirap.

              Masusi ko pong itatakda ang mga batas na ninanais at higit na kailangan ng mamamayan. Masisigurado kong maisasatupad ito ng maayos at naaayon nang makamit natin ang kapayapaan at katiwasayan sa ating bansa. Ang mga tiwali ay walang lugar sa paglingkod sa bayan.  Hinggil naman sa isyu ng teritoryo sa West Phillipine Sea, paninindigan po natin ito ng walang pag aatubili lalo na at tayo ang nasa tama. Nararapat na mayroon tayong matatag at maaasahang pamahalaan sa anumang pangyayari. Ang lahat ng ito ay posible sa isang boto. Kaya’t hayaan niyo po akong pagsilbihan ang gating bansa at ang nakararami.

Featured

Kaakibat ang Buong Sambayanan

Nina: Hannah Jane Parrenas at Prima Stephaney Nadate

Isang mapagpalayang araw sa ating lahat! Maraming salamat sa inyong pagdalo at mainit na pagtanggap. Ako’y nagagalak na makitang napakaraming Pilipinong gaya ko rin ay nagmamalasakit sa bayan.

Magsisimula ako sa katanungang, “Nakikinita niyo pa ba ang Pilipinas na uunlad?” Marahil ang iba ay nawalan na ng pag-asa na makakamit ito pero sisikapin kong mapagtatagumpayang lahat ang ninanais ng buong sambayanan.

Hindi maikakailang kahirapan ang pangunahing problema na kinahaharap ng ating bansa, dahil katulad ninyo ay nasaksihan ko mismo at naranasan ang hagupit ng kahirapan. Noon, araw-araw ay sumusuong kami sa isang giyerang ito ang kalaban. Naranasan kong pagsabayin ang aking pag-aaral maging ang pag-trabaho. Ngunit hindi ito naging hadlang upang matamo ko kung ano ang mayroon ako ngayon. Ang nagpapanalo sa aming pamilya ay ang pagsisikap at higit sa lahat, ang pagkakaroon ng armas, ang edukasyon.

Kaya sisiguraduhin nating mabigyan ang lahat ng mga Pilipino ng armas na ito. Magpapatupad tayo ng batas na magbibigay-prayoridad sa edukasyon ng mamamayang Pilipino kagaya ng mga tulong pinansyal, hindi lang para sa mahihirap kundi maging sa mga nakaaangat din sa buhay. Lahat tayo ay may pantay-pantay na karapatan dito at hindi ito limitado sa kahit anong estado sa buhay. Isa ring mahalagang sangkap ang edukasyon sa kakulangan ng trabaho. Dagdag rito, sisiguraduhin nating magkaroon ng sapat na job vacancies para mabawasan ang mga unemployed at OFWs na nangingibang bansa. Isusulong din natin ang pagkilala sa LGBTQ++ community at magkakaroon ng mga panukalang magbibigay ng pantay-pantay na karapatan sa lahat ng kasarian o gender identity.

Dahil sa ating pagkakaisa, alam kong magagawan natin ng paraan ang mga problemang ito at makakamit din natin ang kaunlarang pare-pareho nating nilalayon para sa buong sambayanan. Ang inyong presensya ngayon ay tanda lamang ng pagmamalasakit sa ating bayan, at masasabi kong kayo, tayong mga Pilipino ay tunay ngang kahanga-hanga dahil dito. Muli, maraming salamat at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Kasama si Ngayon, Tayo’y Aahon! (talumpati para sa mga magsasaka)

By Freden Javelona, Keseiah Joy Tavera and Trina Villaflor

Magandang umaga mga kababayan! Ako po si Emil Ngayon, isang probinsyanong galing Davao tumatakbo bilang inyong presidente. Hayaan niyo po akong ipahiwatig ang aking plataporma na kayo po ang pangunahing makikinabang. Mula pagkabata, namulat na ang aking mga mata sa kalagayan ng ating mga magsasaka. Sa murang edad, dinig ko ang iyak ng mga magulang na walang mapakain sa kanilang mga anak. Natikman ko na din ang lasa ng dugo sa aking lalamunan dahil wala kaming pera pampa-ospital. Mula noon, isinumpa ko saking sarili na kung mayroon man akong magagawa’y gagawin ko ang aking makakaya upang hindi na malasap ng susunod na henerasyon ang aking naranasan.

Dati, sinasama ako ni tatay sa palayan. Alas-singko pa lang ng umaga’y gigising na kami at maglalakad ng kalahating oras papuntang palayan. Balot ng damit ang aming katawan kasi buong araw kaming magbababad sa initan. Lugi kami kapag tagtuyot; malaking porsyento ng ani ang nasisira dahilan kung bakit hindi ito maibenta sa palengke. Kitang-kita ko sa mukha ni ama ang pagkadismaya habang kinikilo ang natitirang palay. Ani nga niya, “sa bawat palay na nasasayang ay katumbas ng isang pisong binalewala”.

Ang punto ko, naranasan ko din ang inyong paghihirap, at may magagawa po tayo upang mabago ito. Kung dati, ang mga magsasaka’y nasa mababang sektor ng lipunan, sa pangunguna ko’y bibigyan natin ng tuon ang sektor ng agrikultura, mas patibayin natin ang mga batas na nagproprotekta sa inyo, papalawakin natin ang paggamit teknolohiya, at bigyang halaga ang ating mga lokal na produkto.

Bilang isang anak ng magsasaka, pamilya tayong lahat dito, at ang pamilya’y nagtutulungan.  Kung dati, napasailalim sa mga buwaya’t uhaw sa pera ang ating pamahalaan. NGAYON, nasa harap ninyo ang taos-pusong maglingkod. Kung dati hindi tayo nadidinig, NGAYON, ipaglalaban ko ang karapatan ng bawat isa. Ngunit tulad sa pagtatanim, walang bunga pag walang binhi– ang posisyon na ito ang magsisilbing binhi upang matulungan ko ang kapwa kong magsasaka, kaya kinakailangan ko po ang inyong suporta! NGAYON ang oras ng pagbabago. NGAYON tayo aahon!

Kaakibat ang Buong Sambayanan

by: Hannah Jane Parrenas and Prima Stephaney Nadate

Isang mapagpalayang araw sa ating lahat! Maraming salamat sa inyong pagdalo at mainit na pagtanggap. Ako’y nagagalak na makitang napakaraming Pilipinong gaya ko rin ay nagmamalasakit sa bayan. Magsisimula ako sa katanungang, “Nakikinita niyo pa ba ang Pilipinas na uunlad?” Marahil ang iba ay nawalan na ng pag-asa na makakamit ito pero sisikapin kong mapagtatagumpayang lahat ang ninanais ng buong sambayanan.

Hindi maikakailang kahirapan ang pangunahing problema na kinahaharap ng ating bansa, dahil katulad ninyo ay nasaksihan ko mismo at naranasan ang hagupit ng kahirapan. Noon, araw-araw ay sumusuong kami sa isang giyerang ito ang kalaban. Naranasan kong pagsabayin ang aking pag-aaral maging ang pag-trabaho. Ngunit hindi ito naging hadlang upang matamo ko kung ano ang mayroon ako ngayon. Ang nagpapanalo sa aming pamilya ay ang pagsisikap at higit sa lahat, ang pagkakaroon ng armas, ang edukasyon.

Kaya sisiguraduhin nating mabigyan ang lahat ng mga Pilipino ng armas na ito. Magpapatupad tayo ng batas na magbibigay-prayoridad sa edukasyon ng mamamayang Pilipino kagaya ng mga tulong pinansyal, hindi lang para sa mahihirap kundi maging sa mga nakaaangat din sa buhay. Lahat tayo ay may pantay-pantay na karapatan dito at hindi ito limitado sa kahit anong estado sa buhay. Isa ring mahalagang sangkap ang edukasyon sa kakulangan ng trabaho. Dagdag rito, sisiguraduhin nating magkaroon ng sapat na job vacancies para mabawasan ang mga unemployed at OFWs na nangingibang bansa. Isusulong din natin ang pagkilala sa LGBTQ++ community at magkakaroon ng mga panukalang magbibigay ng pantay-pantay na karapatan sa lahat ng kasarian o gender identity.

Dahil sa ating pagkakaisa, alam kong magagawan natin ng paraan ang mga problemang ito at makakamit din natin ang kaunlarang pare-pareho nating nilalayon para sa buong sambayanan. Ang inyong presensya ngayon ay tanda lamang ng pagmamalasakit sa ating bayan, at masasabi kong kayo, tayong mga Pilipino ay tunay ngang kahanga-hanga dahil dito. Muli, maraming salamat at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Tambasin! Taong Matulungin

Jullienne Rose Tambirao at Ma. Divina Tabasin

Magandang gabi po sa inyong lahat! Ako ho ay si Maria Jullienne Tambasin. Mula po ako sa probinsya ng Iloilo.

Katulad ng halos lahat sa inyo dito, ako din po ay lumaki sa hirap. Ang mga magulang ko ay mangangalakal ng basura. Nakarating po ako sa ganitong posisyon dahil sa pagpursige kong maiahon ang aming pamilya sa hirap. Nang aking matupad ang pangarap kong ito, nangako ako sa aking sarili na tulungan ang mga taong napagdaanan o patuloy na naghihirap tulad ko noon.

At katulad niyo po, ayaw ko rin sa magnanakaw na pulitiko. Lumalago ang kanilang pera dahil sa mapag-abusong trabaho na pinapagagawa sa ating mga mahihirap. Hindi dahil mulat tayo sa kahirapan ay magpapaalipin na tayo. Maraming oportunidad sa ating mga mahihirap pero tayo ay pinapaikot ng mga makakapangyarihan at edukadong tao. Ako ay nakikiisa sa sentimyento na ito. Ako ang susulong sa bagong lipunan na ito na kung saan ang mga mahihirap ay mabibigyan ng pag-asang makabangon. Tandaan natin ang pait ng kahirapan. Dahil sa hirap, tayo ay sisikap.

Isa din po sa adbokasiya ko ang pagiging mapagtanggap. Ano man po ang uri ng kasarian na iyong kinikilala o saan man kayong relihiyon nabibilang, asahan niyo pong sa aking pag-upo na magkakaroon ng batas na magpoprotekta sa ano mang uri ng diskriminasyon. Lahat po tayo ay Pilipino, nananalaytay sa ating dugo ang pagiging Pilipino.

Ako po ay taos-pusong humihingi ng tulong ninyo ngayong eleksiyon. Sama-sama po nating putulin at tuluyang tapusin ang dinastiya ng mga pamilyang nag-aastang nagmamay-ari ng kani-kanilang sinasakupan. Maraming maraming salamat!

Tunay na Pagbabagong Handog ni Ed D. Wao

Jessamine Kaye Palomo & Anaiah Rhima Palomata

Kamusta, mga minamahal na kababayan! Alam kong pagod na po kayo kung kaya’t nagpapasalamat akong dumalo parin po kayo sa gabing ito. Gagawin ko po ang aking makakaya upang umikli ang aking mga sasabihin sa loob ng mga apat na oras lang naman. Ah, este biro lamang po!

Marahil karamihan po sa inyo ay alam na ang aking pangalan ngunit hayaan nyo po sana akong pormal na magpakilala. Isang walang hamak at laki sa hirap ngunit nagsumikap at ngayo’y nais na bigyan kayo ng magandang hinaharap, Ako po si Ed D. Wao na tumatakbo po para sa posisyon na mayor ng Syudad City!

Kumakailan lamang po ay rumampa na sa ating ekonomiya ang train law. Patuloy pong bumababa ang halaga ng peso sa world market. Maging ang presyo ng palay ay paurong na rin. Hindi po ba’t nakakadismaya? Bilang isang palaboy noon, alam ko po ang pasikut-sikot ng mga kalye sa lungsod na ito. Ang sitwasyon ng mga taong nasa mahihirap na sektor ay mas lalong lumalala. Sa daming instrakturang ipinapagawa nila sa lungsod na ito, pati kalsadang maayos binabakbak nila. Yung iba naman ay takot na baka pagkabukas wala na silang mauuwiang trabaho. Ang tamang pagbabago ay ang pagpuksa ng ganitong sistema ng kaharasan at kawalan ng katarungan.

Dapat magkaroon po tayo ng mayor na may prinsipyo, may takot sa Diyo at hindi magbubulsa ng pera natin. Kung ako man po ay pagpalarin, asahan niyo pong bawat hinaing ay aking pakikinggan. Magtulungan po tayong bumuo ng komunidad na hindi lamang ang mayayaman ang umuunlad at ang mga nasa laylayan ay naiiwang lugmok sa kahirapan. Bagkus, tayong lumikha ng lugar kung saan ang mga nabuong pangarap ay matutupad. Sa darating na eleksyon, nais ko pong maging boses ninyo sa pamahalaan at nawa’y hayaan niyo po akong maging baba ninyo sa gobyerno.

ROLDAN, Daan patungong KAUNLARAN!

by Jeane Valerie P. Valera and Eula Rose S. Villaruel

Ang kailangan ng ating bansa ay isang lider na kayang ipaglaban ang kalayaan at karapatan ng mga Pilipino. Ang pagsalungat sa Tsina ay hindi kailangang idaan sa dahas, may diplomatikong paraan upang maipaglaban natin ang ating teritoryo. Huwag nating hayaang tanggalan ng karapatan ang ating mga mangingisda na maghanap-buhay sa ating karagatan. 

Sa pagmahal ng mga bilihin, hindi na sapat ang kasalukuyang sahod ng mga manggagawa. Ayon sa NEDA noong 2018, ang pamilyang binubuo ng limang miyembro ay kailangang kumita ng hindi bababa sa 42,000 peso upang mapabilang sa itaas ng poverty line ngunit ang karamihang manggagawa ay kumikita lamang ng humigit kumulang 537 peso kada araw. Isinusulong ko ang pagtaas ng minimum wage. Ang panukalang ito ay hindi magiging pabigat sa mga employer sapagkat may kaakibat din naman itong pagbawas sa mga corporate tax na kanilang binabayaran.

Isa sa mga matitinding problema na kinakaharap ng bansa ay ang daloy ng trapiko. Kasama sa aking plataporma ay ang pagsulong ng episyenteng transportasyon. Hangad kong maipabuti ang sistema ng transportasyon upang magkaroon ng mas maayos na daloy ng trapiko. Naniniwala akong mahalagang pagtuunan ito ng pansin dahil ang kaligtasan, sa mga aksidenteng pinagmulan ay trapiko, ng bawat mamamayan ng bansa ang aking prayoridad. 

Layon ko ring paunlarin ang Fisheries Sector ng bansa lalo na’t ang pangingisda ay pumapangalawa sa pangunahing hanapbuhay dito sa bansa. Sa sektor ring ito ay nakikikinabang tayo ng malaki. Layunin kong mabigyan sila ng mga matitibay na gamit sa pangingisda para hindi na sila mamroblema kung saan nila kukunin ang mga kakailanganin nilang mga gamit. Alam at ramdam ko ang kahirapan sa kanilang pang-araw-araw na trabaho sapagkat napagdaanan ko din yan. Kagaya ng ilan, lumaki ako na ang pangingisda ang nagtaguyod ng aking pag-aaral hanggang makapagtapos ako ng kolehiyo. 

References:

The Philippine Star (2018) NEDA: Family of 5 needs P42,000 a month to survive. Retrieved from:https://www.philstar.com/headlines/2018/06/08/1822735/neda-family-5-needs-p42000-month-survive/amp/
TRADING ECONOMICS (2019) Philippine Daily Minimum Wages. Retrieved from: https://tradingeconomics.com/philippines/minimum-wages